3 SUSPEK SA PINATAY NA 2 ANTI-NARCO COPS TIMBOG

Camp Olivas, City of San Fernando, Pampanga — Ilan oras matapos paslangin ang dalawang Mabalacat Police officers noong Sabado ng madaling-araw ay agad nadakip ang tatlo sa limang mga suspek sa isinagawang follow-up operation.

Inanunsyo ni PRO3 Regional Director P/BGen. Cesar Pasiwen noong Sabado ng hapon ang pagkakadakip sa prime suspects na kinilalang sina Jun Jun Baluyut, 44; Aries Bagsic, 40, at Leslie Placiente, 30-anyos.

Ang tatlo ay naaresto sa Brgy. Dau, Mabalacat City at narekober kay Baluyut ang isang orange Honda Click motorcycle na mayroon pang dugo, na hinihinalang siyang ginamit ng mga suspek sa krimen.

Ayon kay Pasiwen, tinutugis na rin ng pulisya sina Kenneth Flores, Kiel Patrick Chua alias “Kelkel” at isang alyas “PUSA” na siyang itinuro ni Baluyut na kasamahan niya sa krimen sa kanyang inilahad na extra judicial confession.

Nabatid pa na sa bubong ng bahay ni Flores ay nakuha ang service firearm ng isa sa mga biktima.

Bandang alas-3:40 ng madaling-araw noong Sabado nang paulanan ng bala ng limang armadong suspek na naka-bonnet at sakay ng motorsiklo ang ang mga biktima na noo’y nagsasagawa ng drug operation sa Barangay Dau sa nasabing lugar.
Binawian ng buhay ang mga biktima na sina Senior Master Sgt. Sofronio Capitle Jr. at Staff Sgt. Dominador Gacusan Jr., kapwa nakatalaga sa Drug Enforcement Unit ng Mabalacat PNP.

  (ELOISA SILVERIO)

271

Related posts

Leave a Comment