ARESTADO ang tatlong hinihinalang tulak ng ilegal na droga, kabilang ang isang babae, makaraang makumpiskahan ng P.5 milyong halaga ng umano’y shabu sa buy-bust operation sa Malabon City.
Swak sa hoyo ang mga suspek na sina Ferdinand Viray, 49; Kenneth Abrea, 26, at Rhinna Reyes, 27, pawang ng Binangonan, Rizal.
Ayon sa ulat, alas-10:00 noong Biyernes ng gabi nang isagawa ang buy-bust operation sa isang nakaparadang Nissan Urvan sa Honrades St. corner Frugalidad St., Brgy. Tugatog.
Dinaluhong ng mga parak ang mga suspek makaraang bentahan ng P10,000 halaga ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer.
Nakumpiska sa mga suspek ang 75 gramo ng hinihinalang shabu na P510,000 ang halaga, buy-bust money, at ang nasabing sasakyan. (ALAIN AJERO)
249 