3 TRIKE INARARO NG TRUCK, 1 PATAY

BATANGAS – Patay ang isang tricycle driver matapos araruhin ng dump truck na nawalan ng preno ang tatlong tricycle sa national highway sa Barangay Buhay na Sapa, sa bayan ng San Juan sa lalawigang ito, nitong Lunes ng tanghali.

Agad nalagutan ng hininga ang biktimang si Dante Mariano matapos unang mahagip ng  dump truck ang hulihang bahagi ng  kanyang minamanehong tricycle.

Bahagyang nasugatan din ang asawa ng biktima at ang kanyang tatlo pang pasahero.

Base sa report ng San Juan police, nabangga ng dump truck ang dalawang tricycle na sinusundan nito bago muling sumalpok sa isa pang kasalubong na tricycle.

Hindi naman nasaktan ang dalawang pang driver ng tricycle.

Naaresto naman ng mga awtoridad driver ng dump truck na si Ernesto Tamesis Jr. na nakakulong na San Juan police station locked-up cell.

Ayon kay Tamesis, hindi kumagat ang preno ng truck habang papalapit siya sa dalawang tricycle na mabagal na tumatakbo sa national highway. (NILOU DEL CARMEN)

169

Related posts

Leave a Comment