3 TULAK BULAGTA SA CAVITE BUY-BUST

CAVITE – Patay ang tatlong hinihinalang tulak ng ilegal na droga sa ikinasang buy-bust operation sa magkakahiwalay na lugar sa lalawigang ito.

Kinilala ang mga napatay na sina Jay-R Felias, tinatayang 22 hanggang 25-anyos, residente ng Brgy. Bucana Sasahan, Naic; Michael Macabenta, ng Brgy. Dulong Bayan, Bacoor City, at Reynel Raro, ng Rosario, Cavite.

Ayon sa ulat ni P/SSgt. Rodrigo Veloso ng Naic, Municipal Police Station, dakong alas-11:30 noong Huwebes ng gabi, nagkasa ng buy-bust operations ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (DEU) sa Querubin St., Brgy. Ibayo, Silangan, Naic ngunit nakipagpalitan ng putok sa mga awtoridad si Felias na nagresulta sa pagkamatay nito.

Sa Bacoor City, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (DEU) ng Bacoor CPS sa Brgy. Habay 1, dakong alas-11:30 noong Huwebes ng gabi ngunit nakipagbarilan ang suspek na si Macabenta sa mga pulis naging dahilan ng kanyang pagkamatay.

Napatay rin ang suspek na si Raro sa isinagawang buy-bust operation ng mga operatiba ng Tanza MPS dakong alas-1:30 ng madaling araw nitong Biyernes sa Brgy. Tres Cruses, Tanza, Cavite. (SIGFRED ADSUARA)

171

Related posts

Leave a Comment