3 TULAK NABITAG SA RIZAL

RIZAL- Isang construction worker na tinaguriang most wanted person sa Calabarzon, ang inaresto ng mga operatiba ng Morong Municipal Police Station, sa kasong pagtutulak ng ilegal na droga, noong Enero 21, 2025 sa Brgy. Cupang, Antipolo City.

Kinilala ni PCol. Felipe Maraggun ang suspek na si alyas “Jhaps,” 28, nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, sa Regional Trial Court Branch 79 ng Morong, Rizal.

Batay sa impormasyon, dati nang nahuli ang ang suspek sa ilegal na droga noong Nobyembre 29, 2018 matapos makumpiskahan ng shabu at baril ngunit nakalaya nang umapela sa probation nito.

Samantala, kasabay ring naaresto ng mga operatiba ng Rizal Provincial Intelligence Unit (PIU), ang dalawang lalaki sa drug buy-bust operation sa Brgy. Poblacion Ibaba sa bayan ng Angono.

Ayon kay Maraggun, arestado sina alyas “Ariel,” 24, at “Jie,” 31, at nakumpiskahan ng 20 gramo ng hinihinalang shabu na may street value na P136,000.

Nakapiit ang dalawa sa Rizal PIU Custodial Facility para sa dokumentasyon at tamang disposisyon para sa kasong paglabag sa

RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (NEP CASTILLO)

78

Related posts

Leave a Comment