ARESTADO sa buy-bust operation ng Provincial Intelligence Unit (PIU) ang tatlong pinaghihinalaang tulak na nakumpiskahan ng 127 gramo ng shabu kamakalawa ng umaga sa Antipolo City.
Sa ulat kay P/Col. Dominic Baccay, Rizal PNP Provincial Director, kinilala ang mga naaresto na sina Djoen Canata, alyas “Joen”, Michael Jimenez at Angelo Lawaan, alyas Angelo, pawang ng Brgy. Cupang, sa naturang lungsod.
Dakong 11:30 ng umaga, nadakip ng grupo ni PLT. Jackson Aguyen ang mga suspek sa Dimson St., Purok 2, Zone 8, Antipolo.
Nakumpiska ng mga tauhan ni P/Maj. Joel Custodio, hepe ng PIU sa tatlo ang 127 gramo ng droga na aabot sa P863,600.00 ang street value, P1,000.00 cash money, buy bust money at Toyota Vios na pinaniniwalaang gamit ng mga ito sa pagpapakalat ng droga sa lalawigan ng Rizal.
Nakapiit na ang mga suspek na sasampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (KNOTS ALFORTE)
540
