3 TULAK TIKLO SA P136K SHABU

CAVITE – Tinatayang mahigit P130,000 halaga ng umano’y shabu ang nasamsam sa tatlong hinihinalang tulak ng ilegal na droga sa ikinasang buy-bust operation sa Bacoor City sa lalawigang ito, noong Martes ng gabi.

Kinilala ang mga arestado na sina Cris Edaño, alyas “Eric Edaño/Bunso”; Jomar Casiño, at Alexander Pamaran, pawang nasa hustong edad.

Ayon sa ulat ni Pat. Jerome Asid ng Bacoor City Police Station, dakong alas-11:20 noong Martes ng gabi nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Drug Enforcement Unit (DEU) ng Bacoor CPS sa Perpetual Village 7, Brgy. Mambong 4, Bacoor City kung saan target ang mga suspek na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga ito at nakumpiska ang 20 gramo ng hinihinalang shabu na P136,000 ang street value. (SIGFRED ADSUARA)

193

Related posts

Leave a Comment