3 TUMBA SA COVID SA MALABON

TATLO katao ang namatay sa COVID-19 sa Malabon City noong Setyembre 30 habang 68 ang nadagdag na confirmed cases.

Sa kabuuan ay 20,547 ang positive cases sa lungsod, 458 dito ang active cases.

Ang mga bagong kaso ay naitala sa Barangays Acacia (2), Baritan (3), Catmon (3), Concepcion (10), Hulong Duhat (1), Longos (18), Maysilo (1), Niugan (2), Panghulo (3), Potrero (3), San Agustin (6), Santulan (2), Tañong (2), Tinajeros (2), Tonsuya (1) at Tugatog (9).

Habang 138 pasyente ang nadagdag sa bilang ng mga gumaling. Sila ay mula sa Barangays Acacia (7), Baritan (4), Bayan-bayanan (2), Catmon (5), Concepcion (9), Hulong Duhat (3), Longos (14), Maysilo (10), Niugan (14), Panghulo (29), Potrero (4), Santulan (5), Tañong (4), Tinajeros (14), Tonsuya (9), at Tugatog (5).

Sa kabuuan ay nasa 19,466 ang recovered patients ng Malabon at 623 na ang COVID death toll.

Wala namang iniulat na namatay dahil sa pandemya sa lungsod ng Navotas habang 518 ang active cases hanggang 11:59 pm noong Setyembre 29 matapos na 30 ang nahawaan at 64 ang gumaling.

Pumalo na sa 17,190 ang tinamaan ng COVID sa fishing capital, at sa nasabing bilang ay 16,147 na ang gumaling at 525 ang namatay. (ALAIN AJERO)

178

Related posts

Leave a Comment