30-DAY BREAK SA MGA GURO DAPAT LANG – REP. NOGRALES

BILANG paggunita sa National Teachers’ Month ngayong buwan ng Setyembre, ikinatuwa ng chairman ng House Committee on Labor and Employment ang ginawang hakbang ng Department of Education na bawasan ang gawain ng mga guro (teachers’ workload).

“We thank Vice President and DepEd Secretary Sara Duterte and all other officials for this move. This is a timely intervention that will help ensure our teachers’ well-being,” ani Rizal 4th District Rep. Fidel Nograles.

Inanunsyo ni Duterte kamakailan na ang mga guro ay mag-e-enjoy sa 30-day break matapos ang school year, at sa pagbabawas ng kanilang administrative tasks mula 56 hanggang 11.

Sinabi niya na ang dalawang panukala ay nakatakdang ipatupad sa lahat ng mga pampublikong paaralan sa buong bansa, kasama ng DepEd na nakatakdang mag-release ng isang memorandum sa school officials.

“Natutuwa tayo na masigasig ang DepEd sa paghahanap ng paraan upang maibsan ang pasang responsibilidad ng ating mga guro. Mainam itong balita lalo pa’t ipinagdiriwang ang National Teachers’ Month ngayong buwan,” ani Nograles.

“I am confident that the DepEd will continue to come up with measures to uphold the welfare of our educators. For our part, we in Congress vow to continue to craft policies to this end,” dagdag pa ng mambabatas.

Pinuri rin ni Nograles ang nalalapit na paglulunsad ng isang website para makatulong sa mga guro sa financial loan contract problems.

Ang mambabatas ay nananawagan para sa mas malaking proteksyon para sa mga guro mula sa mabigat na pautang at hinikayat ang grupo ng mga abogado na magbigay sa mga guro ng legal advice kaugnay sa financial problems.

“Our teachers often fall victims to loan sharks due to circumstance, that is why we need to provide them with financial education, legal assistance, and other ways for them to break from the cycle of debt and poverty,” banggit pa niya.

(JOEL O. AMONGO)

197

Related posts

Leave a Comment