30 KATAO ARESTADO SA DRAG RACE

CAVITE – Umabot sa 30 katao ang arestado makaraang maaktuhan habang nagpupustahan sa karera ng motorsiklo sa Imus City sa lalawigang ito.

Nahaharap sa kasong paglabag sa illegal gambling through drag racing ang mga arestadong sina Kyle Cedric Valerio Martinez, Anton Ugay Lovinay, Carl Yap Monzon, Jake Suarez Guanzon, John Wisley Siwa Nato, Dominic Joseph Orpia Gutierrez, Russel Jayona Nunez, Philip John Falcutela Mondia, Mc Guiller Orate Preclaro, Franco Donina Tullo, Ringquel Banez Manalo, Darwin Sabater Del Rosario, Edzel Dayrit Canan, Lumineo Escover Dominguez, Kien Garcia Principe, Jeric Cortez Sardon, Mark Edison Carin Vicente, Leoncio Eridao Ramos Jr., Carlo Lacson Monterosso, Marlon Delfin Diaz, Lian Paolo Garcia Romero, Joshua Claros Galan, Nikko Betonio Doctolano, Christian Dave Reyes Cabrera, Merwin Mark Subastil Barbuco, Joel Cortez Sardon, Mark Joseph Epil Amor, Mark Lawrenz Morena Monreal, Jordan Paclebar Fortus at Jared Penis Diaz.

Sa ulat ni P/SSgt. John Carlo Punzalan ng Imus City Police Station, dakong ala-1:30 ng hapon noong Biyernes nang makatanggap ang pulisya ng tawag mula sa isang concerned citizen hinggil sa nangyayaring karera ng motorsiklo sa Daang Hari Road, Brgy. Pasong Buaya 1, Imus City at may pustahan.

Agad nagresponde ang mga elemento ng Intel Operatives at Force Multipliers ng Imus CPS at naaktuhan ang nasabing kalalakihan habang nagpupustahan sa karera ng dalawang motorsiklo naging dahilan ng kanilang pagkakaaresto. (SIGFRED ADSUARA)

219

Related posts

Leave a Comment