30 PAMILYA SA ROSARIO, CAVITE NASUNUGAN

CAVITE – Tinatayang 30 pamilya ang nawalan ng tirahan makaraang lamunin ng apoy ang kanilang kabahayan nitong Biyernes ng madaling araw sa bayan ng Rosario.

Nagsimula ang sunog sa isang bahay sa Sitio Halayhay, Isla Bonita, Brgy. Silangan 1, Rosario bandang alas-12:10 ng madaling araw hanggang gumapang sa ibang mga kabahayan.

Ayon sa Municipal Disaster Risk and Reduction Management Office (MDRRMO), umabot sa 1st alarm ang sunog na tumupok ang 14 na kabahayan na pawang mga gawa sa light materials.

Bandang alas-1:15 ng madaling araw nang tuluyang naapula ang apoy dahil sa pagresponde ng mga pamatay-sunog na mula pa sa mga karatig-bayan at sa pagbabayahihan ng mga magkakapit-bahay.

Ang mga apektadong pamilya ay pansamantala ngayong nasa pangangalaga ng DSWD at Barangay Silangan-I.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP) – Rosario upang mabatid kung ano ang pinagmulan ng sunog. (SIGFRED ADSUARA)

4

Related posts

Leave a Comment