30M DOSES NG NOVAVAX INAASAHAN NG PH

MAAARING makatanggap ang Pilipinas ng 30 milyong doses ng India-manufactured coronavirus vaccine mula sa American firm Novavax sa second quarter o third quarter ng taon sa oras na malagdaan na ang kasunduan.

Sinabi ni Ambassador Shambhu Kumaran na gumugulong na ang pag-uusap ng Indian officials at ni Philippine vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. para sa supply ng Novavax vaccines.

“The discussions are essentially underway for 30 million doses and I believe that the Philippine side is interested in a larger number and that detail is being currently negotiated,” ani Kumaran.

Aniya, ang negosasyon para sa Novavax vaccine ay “pretty much a done deal.”

“We’re very hopeful that this vaccine can reach early in the third quarter or in the late second quarter of this year. It will provide the backbone for the Philippines’ vaccination effort in the second half of this year,” dagdag na pahayag nito.

Bukod sa Novavax doses, pag-uusapan din ng Pilipinas at India ang 8 milyong doses ng Covaxin na dinivelop ng Indian firm Bharat Biotech. (CHRISTIAN DALE)

92

Related posts

Leave a Comment