31st Southeast Asian Games 4 GOLDS SA BILLIARDS, WEIGHTLIFTING AT TENNIS

TAGUMPAY si US Open 9-ball champion Carlo Biado sa ika­lawang paghaharap nila ni Johann Chua, para sa 1-2 finish ng Pilipinas sa men’s 10-ball singles sa Ha Dong Gymnasium.

Iniwanan ng 2013 Naypyidaw SEA Games 10-ball silver medallist na si Biado ang kababayang si Chua, 9-3, para tumbukin ang gintong medalya.

Sa unang paghaharap ng dalawa sa finals ng men’s 9-ball singles ilang araw na ang nakararaan, si Chua naman ang namayani at nagbulsa ng gold habang silver medalist si Biado.

Samantala, gold muli si Rubilen Amit, sa pagkakataong ito laban kay Chezka Centeno sa All-Filipino women’s 10-ball pool singles finals, 7-5.

Ito ang ikalawang gintong medalya ni Amit sa 31st SEA Games. Ang una ay mula sa women’s 9-ball event.

Sa weightlifting competitions, gumawa ng kasaysayan kamaka- ­lawa si Pinay Vanessa Sarno nang maka-gold at magtala ng bagong SEAG record sa women’s 71kg.

Nagsumite si Sarno ng new record sa snatch (104kg), clean and jerk (135kg), at total score of 239kg. Malayo ang agwat nila ng second-placer na si Thailand’s Siriyakorn Khaipandung na may total score na 223kg, habang ang third na si Anggi Restu ng Indonesia ay may 212kg.

Nagkasya naman sa silver si Tokyo Olympian Elreen Ando sa women’s 64kg, na pinagwagian ni Vietnam’s Pham Thi Hong Thanh.

Sina Sarno at Ando ay kabilang sa national weightlifters na umaasang masusundan ang yapak ng kauna-unahang Pinoy Olympics gold medalist na si Hidilyn Diaz.

Si Diaz din ang unang weightlifter ng Pilipinas na naka-gold sa Vietnam sa 55kg event.

May gold medal na rin ang bansa sa tennis mula kina Treat Huey at Ruben Gonzales.

Nagkaroon din ng all-Filipino finals sa naturang isport at na­punta ang silver kina Jeson Patrombon at Francis Casey Alcantara nang tumiklop sa 6-1, 6-4 score, Sabado sa Hanaka Sports and Service Center in Vietnam.

Naulit lang ang tapatan ng dalawang pares noong 2019, ngunit kabaligtaran ang resulta dahil talo sina Huey at Gonzales kina Patrombon at Alcantara sa Manila-hosted regional meet. (ANN ENCARNACION)

103

Related posts

Leave a Comment