SI Marion Kim Mangrobang ang unang Pilipino double gold medallist sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam.
Nakamit ni Mang-robang ang pangalawang ginto sa duathlon sa Hanoi, Vietnam nitong Linggo sa Tuan Chau.
Ang unang gold medal niya ay galing sa triathlon, kung saan three straight na niya sa SEAG.
Sa mixed relay ay naka-gold din si Mang-robang noong 2019 SEA Games sa Manila.
WONG, GOLD SA WUSHU
NADEPENSEHAN ni wushu sensation Agatha Wong ang kanyang gold medal sa women’s taolu taijijian sa Cau Giay Gymnasium.
Ang ginto ni Wong ay una para sa wushu team ng bansa sa ginaganap na SEA Games.
Noong Sabado ay bumagahe si Wong ng silver medal sa women’s taijiquan.
2 BRONZE SA
PH TENNIS TEAM
DALAWANG tansong medalya ang napasakamay ng Philippine women’s at men’s tennis team sa Hanaka Tu Son Bac Ninh.
Kapwa tumiklop ang national women’s at men’s team kontra Thailand sa quarterfinals at nagkasya sa bronze noong Sabado.
Kabilang sa women’s team sina Alex Eala, Marian Jade Capadocia, Shaira Hope Rivera at Jenaila Rose Prulla, habang kasama sa men’s squad sina Francis Casey Alcantara, Jeson Patrombon, Treat Huey, Ruben Gonzales at Eric Olivarez Jr. (ANN ENCARNACION)
