36 DRUG PUSHERS NABITAG SA CAVITE

CAVITE – Hindi naging hadlang ang umiiral na modified enhanced community quarantine (MECQ) sa patuloy na operasyon ng ilegal na droga sa lalawigang ito, patunay ang pagkakadakip sa 36

hinihinalang drug pushers sa magdamag na anti-drug operation ng pulisya.

Sa datos ng Cavite Police Provincial   Office (CPPO), nanguna ang Imus City sa dami ng mga naaresto sa bilang na 6, pangalawa  ang General Mariano Alvarez (GMA), 4; sumunod ang  Kawit, Dasmariñas City at Bacoor City na may tig-3; tig-2 naman ang Maragondon, Alfonso, Carmona,  at

Gen. Trias City habang tig-isa ang Tanza, Rosario, Cavite City, Noveleta, Silang, Magallanes, Amadeo, Naic at Mendez.

Isinagawa ang buy-bust operation sa pagitan ng alas-2:30 noong Martes ng hapon hanggang alas- 2:30 nitong Miyerkoles ng madaling araw.

Ang 36 naaresto mula sa limang siyudad at 13 bayan ay nakakulong na custodial centers habang inihahanda ang isasampang kaso laban sa mga ito. (SIGFRED ADSUARA)

153

Related posts

Leave a Comment