36 Korean, Chinese, Indonesian players timbog LIVE ONLINE GAMING SA PASAY SINALAKAY

ARESTADO sa mga ahente ng Bureau of Immigration (BI) ang 36 aliens noong Lunes ng hapon sa magkakasunod na pagsalakay sa illegal online gambling company sa Double Dragon Plaza Tower 3 sa Pasay City.

Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, nagsagawa ng imbestigasyon matapos makatanggap ang BI’s Intelligence Division ng reports hinggil sa mga dayuhan na nagtatrabaho nang walang kaukulang permits sa nasabing area.

“We coordinated with PAGCOR and verified that this company is unlicensed and has no authority to operate,” ani Morente.

Matatandaan na ang kumpanya ay walang authority na mag-operate at hindi nag-apply ng anumang lisensiya sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), na requisite para sa online gaming companies na mag-o-operate sa bansa.

Ibinahagi naman ni BI Intelligence Chief Fortunato Manahan, Jr., ang kumpanya ay nadiskubreng nasasangkot sa illegal live studio gambling, na kung saan ang operators at management ay binubuo karamihan ng Koreans.

“Apart from the live studio, they were also conducting illegal and clandestine online gaming operations,” ani Manahan.

Ang kabuuang 36 foreigners ay isinailalim sa kustodiya dahil sa pagtatrabaho nang walang kaukulang visa at dokumentasyon.

“We initially rounded up 40 individuals, but found 4 of them to be sufficiently documented, being permanent residents in the country,” pahayag pa ni Manahan.

“However, the other 36 were unable to present their passports and visas, and were caught in the act of working illegally,” dagdag pa niya.

Ang mga arestado ay binubuo ng 31 kalalakihan at 5 kababaihan na iba’t iba ang nasyunalidad, dalawa sa kanila ay Chinese, dalawa ang Indonesians, habang ang 32 ay pawang Koreans. (JOEL O. AMONGO)

371

Related posts

Leave a Comment