36% NG PINOY NANINIWALANG LALALA PA ANG KAHIRAPAN

KINUKONSIDERA ng Malakanyang na isang concern ng administrasyon ang lumabas na resulta ng National Mobile Phone Survey ng Social Weather Stations (SWS) na 36% ng adult Filipino ang
nagpahayag na inaasahan na nila na mas lalala ang kalidad ng kanilang buhay sa susunod na 12  buwan.

Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, batid ng Malakanyang ang matinding epekto ng   COVID-19 pandemic at quarantine restrictions sa  socioeconomic conditions ng mamamayan.

“It is for this reason government economists have prepared a whole-of-society program in our recovery plan called Recharge PH to mitigate its impact,” ayon kay Sec. Roque.
Binigyang diin ni Sec. Roque na ang “Ingat buhay para sa hanapbuhay” ang kasalukuyang direksyon ng pamahalaan na may unti-unting pagbubukas ng industriya gaya ng pagbabalik ng Build, Build, Build program, kabilang na ang pagtatayo ng health system capacity ng bansa at paghahanda para sa  new normal sa pamamagitan ng  digital transformation.

“We hope to revitalize the economy and stimulate growth for the betterment of the lives of our people,” ayon kay Sec. Roque.

Sa survey, aabot naman sa 26% ang nagsabing gaganda ang kalidad ng kanilang buhay habang 30% naman ang nagsabing walang magbabago.

Mula sa  -18 noong Mayo, sumadsad pa sa  -10 o very low ang net optimism ng mga Pinoy noong Hulyo.

Lumabas naman sa pag-aaral na mas mababa ang net optimism sa mga pamilyang nakaranas ng gutom, hindi nakatanggap ng ayuda at mas mababa ang pinag-aaralan.

Isinagawa ang mobile phone survey noong July 3-6 mula sa mahigit 1, 500 na respondents. (CHRISTIAN DALE)

134

Related posts

Leave a Comment