38 CHINESE HINARANG SA AIRPORT PEPERAHIN KAYA O IPAPA DEPORT?

MATAPOS masupalpal ang isang abogado sa Bureau of Immigration kay Department of Justice, Secretary Menardo Guevarra makaraang hilingin nito sa kalihim kamakailan na maglabas ng Department Order upang italaga siyang Chief ng Personnel section ng BI ay anumang araw ay mapapatalsik na ito sa kanyang dating duty sa main office ng ahensya at kailangan na itong mag report sa Port Operations Division sa NAIA kung saan pala ito ang kanyang mother unit.

Si Atty Archimedes Cano ay dating naka assign sa Board of Special Inquiry (BSI) bago pa man itong naging officer in charge ng Personnel habang nasa 6 months preventive suspension pa noon ang ilang mga dating immigration airport officials gayundin si Senior Immigration Officer, Grifton Medina na dating Port Operations Division Chief na pinaniniwalaang biktima ng pulitika at napag initan ng ilang maimpluwesyang mga Pulitiko para sa kanilang political ambitions.

Ang tanung wala na bang korapsyon na nangyayari sa airport ngayon? Bakit kaya antibay pa rin ng Face nitong TCEU Chief dito kung saan ay napakarami pa rin tayong natatanggap na sumbong kaugnay umano sa kalokohan pa rin na nangyayari sa kanilang pamamahala. Gaano kaya katotoo na patuloy pa rin ang kanilang pagpapalusot ng mga Pinay papuntang Dubai sa NAIA terminal 1 at sa gabi umano ito nila isinasagawa upang wala gaanong makaamoy? Sino kaya ang hepe sa BI main office ang nakikinabang dito kung kayat panay ang depensa nya sa kanyang favorite TCEU Chief?

Samantala, nakatanggap tayo muli ng isang sumbong mula pa rin sa NAIA na mayroon daw 38 na Chinese nationals ang hinarang ng mga immigration officers dahil sa mga dala nitong travel documents at kasalukuyan nanaman na nasa passengers lounge habang naghihintay na silay payagang makapasok sa bansa gamit ang Recall of Exclusion Order na gatasan ng ilang tiwaling opisyales ng BI.

Agawan umano ang ilang Chinese handlers na sina Alias Charlie at ang Huayi group na naglalakad ngayon sa main office ng ahensya upang magpapirma ng Recall of Exclusion Order kay BI Commissioner Jaime Morente? Maging ang Immigration Assistant umano na si Alias GL na dapat ay sa Border Control Intelligence Unit (BCIU) nagrereport ay mas madalas pa umano ito sa main office ng ahensya at ipinagkakalat pa umano na malakas ito kay Morente at nakaka direkta umanong nagpapapirma? Pagbibigyan kaya ito ni Morente na siyang may kapangyarihan lamang na pumirma sa ganitong papeles? Kung wala po kayong itinatagong katiwalian bakit ninyo pinagtatagal sa airport ang mga Chinese na inyong hinarang at hindi ninyo agad pabalikin sa kanilang point of entry?

Ito kaya ay pakana ng malaking sindikato sa airport? ABANGAN!!

Para po sa inyong Sumbong at Reaksyon maari ninyo akong itext sa 09158888410.

185

Related posts

Leave a Comment