NASAMSAM ng Bureau of Customs (BOC)–Port of Cebu ang 247 branded mobile phones mula sa China na tinatayang nagkakahalaga ng P1,679,617. Ang labindalawang pakete ay nasabat noong Enero 31, 2026 sa Subport of Mactan matapos ideklara bilang personal effects ngunit napansing kahina-hinala sa x-ray images. Sa isinagawang physical examination kasama ang Customs Intelligence and Investigation Service, Enforcement and Security Service, at X-ray Inspection Project, nadiskubre ang mga hindi idineklarang commercial quantity ng cellphone na hindi tugma sa deklarasyon. Dahil dito, nagpalabas si BOC-Port of Cebu District Collector Alexandra Yap-Lumontad ng…
Read MoreDay: February 2, 2026
218 ARESTADO SA ISANG LINGGONG OPERASYON NG QCPD
UMABOT sa 218 indibidwal ang naaresto ng Quezon City Police District (QCPD) sa loob lamang ng isang linggong serye ng operasyon laban sa kriminalidad sa lungsod. Ayon kay QCPD Acting District Director PCol. Randy Glenn Silvio, mula Enero 26 hanggang 31, 2026 ay naaresto ang 82 drug suspects, 84 wanted persons, 47 sugarol, at 5 indibidwal sa kasong illegal possession of firearms at iligal na droga. Sa ulat, nagsagawa ang pulisya ng 50 anti-illegal drugs operations na nagresulta sa pagkakaaresto ng 82 suspek at pagkakakumpiska ng iligal na droga na…
Read MoreEMPLEYADO NG CUSTOMS, ASAWA NITO AT IBA PANG SANGKOT SA SMUGGLING NG YOSI SA BATANGAS CITY KAKASUHAN NA NG PNP
NAKATAKDA nang isampa ngayong linggo ang mga kaso laban sa isang empleyado ng Bureau of Customs (BOC) sa Port of Batangas, sa kanyang mister, at iba pang indibidwal na sangkot sa tangkang pagpupuslit ng tinatayang 1.1 billion pesos na halaga ng mga sigarilyo sa Batangas City noong nakaraang buwan. Kasong paglabag sa Republic Act 12022 o Anti-Agricultural Economic Sabotage Act ang isasampa laban sa mga sangkot. Ang naturang kaso ay non-bailable offense na kung mapatutunayang guilty ay maaari silang mapatawan ng habambuhay na pagkakakulong. Ang nasabing mga kontrabando ay nakumpiska…
Read MoreISA PANG WARRANT VS. ATONG ANG NAKATENGGA PA – DOJ
KINUMPIRMA ng DOJ na may isa pang warrant of arrest laban kay gaming tycoon Charlie “Atong” Ang na hanggang ngayon ay hindi pa nailalabas ng korte. Ayon kay Prosecutor General Richard Anthony Fadullon, inaalam pa ng DOJ kung bakit hindi pa naglalabas ng warrant ang Regional Trial Court ng San Pablo, Laguna kaugnay ng kaso ng mga nawawalang sabungero. Hindi rin masabi ni Fadullon kung may inihaing mosyon ang kampo ni Ang upang ipawalang-bisa ang warrant kaya ito naantala. Nauna nang naglabas ng warrant ang RTC ng Sta. Cruz, Laguna…
Read MoreP69.8-M ALLOWANCES NG MANILA TEACHERS, ILALABAS NA
ILALABAS na ngayong linggo ang P69.8 milyong allowances para sa 11,633 pampublikong guro ng Maynila sa ilalim ng Schools Division Office (SDO), na sasaklaw sa Oktubre hanggang Disyembre 2025. Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno Domagoso, ilalabas ang naturang pondo kasabay ng P9.68 milyong ayuda para sa 6,452 Grade 12 students, kaya aabot sa P79.48 milyon ang kabuuang SDO-related releases para sa huling kwarter ng 2025. Magpapalabas din ang Pamahalaang Lungsod ng Maynila ng P26.03 milyon para sa 8,675 estudyante ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) at P11.10 milyon…
Read MorePBBM: ASEAN 2026 DAPAT MAY BENEPISYO SA PINOY
PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang isang inter-agency meeting sa Malacañang noong Lunes upang repasuhin ang paghahanda ng bansa para sa pagho-host ng Pilipinas sa 2026 ASEAN Summit and Related Summits. Tinalakay sa pulong ang mga prayoridad na plano ng pamahalaan na nakatuon sa paglikha ng trabaho, suporta sa maliliit na negosyo, pagpapabuti ng digital services, at pagpapalakas ng people-centered programs. Ayon kay Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro, ganap nang handa ang Pilipinas na gampanan ang papel bilang ASEAN Chair. Iginiit din ng…
Read MoreILANG KABAHAYAN NASUNOG SA LAS PIÑAS
NILAMON ng apoy ang ilang kabahayan sa Balete St., Barangay Ilaya, Las Piñas City kahapon ng hapon. Ayon sa Bureau of Fire Protection–Las Piñas, bandang alas-2:05 ng hapon nagsimula ang sunog sa isang residential house na yari sa kahoy at mabilis na kumalat sa mga katabing bahay. Dahil sa maagap na pagresponde ng mga bumbero, idineklara ang sunog na fire under control dakong alas-4:49 ng hapon. Walang naiulat na nasaktan o nasawi sa insidente. Patuloy pang inaalam ang sanhi ng sunog. Ayon sa ilang residente, nakaamoy umano sila ng nasusunog…
Read MoreKACH UMANDAP, ITINANGHAL NA GLOBAL FILIPINO ICON SA DUBAI
DUBAI, UAE — Muling ipinamalas ng isang Pilipina ang husay at kakayahang kinikilala sa pandaigdigang entablado matapos tanghaling Global Filipino Icon 2026 si Kach Umandap sa ginanap na The Global Filipino Icon Awards sa Kempinski Central Avenue Dubai. Matapos ang masusing proseso ng nominasyon at ebalwasyon, higit sa 200 Pilipino mula sa iba’t ibang bansa ang isinailalim sa mahigpit na pagpili. Mula sa mga ito, sampung (10) indibidwal lamang ang napabilang sa hanay ng mga finalist—mga Pilipinong nagpakita ng pambihirang liderato, propesyonalismo, at makabuluhang ambag sa kanilang komunidad at industriya.…
Read MoreNANLOOB SA EGGS AND CHICKEN SUPPLIER NABARIL
CAVITE – Naka-hospital arrest ang isang hinihinalang akyat-bahay nang barilin ng isang negosyante makaraang tangkain nitong pagnakawan ang isang establisyementong nagsu-supply ng mga itlog at manok sa Bacoor City noong Linggo. Nilalapatan ng lunas sa Southern Tagalog District Hospital ang suspek na si alyas “Ryna”, 30, binata, ng Talaba 1, Bacoor City, Cavite dahil sa tama ng kalibre .40 Glock 27 Gen 5, mula sa complainant na si alyas “Roberto”, 54, negosyante ng Brgy. Habay 1, Bacoor City, Cavite. Ayon sa ulat, pinasok ng suspek ang DK PRO DUCK na…
Read More