MAKATATLONG sunod na panalo ang target ng Barangay Ginebra sa pakikipagtunggali sa Phoenix Fuelmasters sa tampok na laro ngayon (Biyernes) sa 2022 PBA Commissioner’s Cup eliminations sa Araneta Coliseum.
Bago ang game sa alas-5:45 ng hapon ng Fuel Masters at Ginebra na kapwa wagi sa kanilang huling laban, mauuna muna ang tapatan ng Blackwater Bossing at Terrafirma Dyip sa alas-3 ng hapon.
Matatandaang minantsahan ng Gin Kings (2-1 panalo-talo) ang Bay Area (4-1) sa 111-93 panalo noong Linggo.
Tinalo naman ng Fuelmasters (1-3) ang NLEX Road (2-2) sa iskor na 111-97.
Ikatlong pagwawagi rin ang asam ng Blackwater (2-3), sariwa pa sa 83-87 kabiguan kontra NorthPort Batang Pier.
Samantala, makatikim ng unang panalo ang hangad ng Terrafirma, nananatiling bigo sa apat na laro ngayong conference at may hawak ng longest-losing streak sa league history. (ANN ENCARNACION)
214 