4.7 INFLATION RATE NAITALA NOONG PEBRERO

HIGIT pang bumilis ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo sa bansa nitong nakalipas na Pebrero.

Sa inilabas na datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), sumirit sa ikalimang sunod na buwan ang naitalang 4.7 inflation o pagtaas ng presyo ng mga produkto at serbisyo sa Pilipinas.

Kumpara noong Enero, bumilis ang pagtaas ng mga presyo ng bilihin mula sa 4.2 percent inflation kung para sa 4.7 nitong February 2021.

Ayon sa Philippine Statistics Authority, ang mabilis na pag-akyat ng halaga ng raw materials para sa pagkain at non-alcoholic beverages sa naturang buwan ang isa sa mga dahilan sa pagbilis ng inflation.

Base pa rin sa datos ng PSA, lumalabas na ang February inflation na ang pinakamataas o pinakamabilis mula noong January 2019.

Sa nasabing panahon kasi ay nai-record ang 4.4% inflation sa bansa. (JESSE KABEL)

359

Related posts

Leave a Comment