4.7 KM EDSA ELEVATED WALKWAY SISIMULAN NA NG DOTr

Ni Tracy Cabrera

DILIMAN, Lungsod Quezon — Naghahanap na lamang ang Department of Transportation (DoTr) ng isang general consultant sa pamamagitan ng bidding process para masimulan na ang planong Epifanio Delos Santos Avenue (EDSA) Greenways Project, na 4.7-kilometrong (km) elevated walkway sa kahabaan ng pangunahing highway ng bansa.

Ayon sa DoTr, bukod sa pakikipagtulungan sa kagawaran na pangasiwaan ang proyekto at pagpapatayo nito, magiging tungkulin din ng general consultant na magbigay ng transaction advisory service para sa mapipiling mga partner na mag-o-operate at magmamantine ng footbridge system.

Nilinaw din na lalahukan ng general consultant ang capacity development para sa DoTr at pagpapatupad ng mga health and safety safeguard ng elevated walkway para sa kapakanan ng publiko.

Tinukoy ni transportation secretary Vivencio ‘Vince’ Dizon na ang mass transit walkway ay ipapatayo sa kahabaan ng EDSA mula sa Balintawak, Cubao, Guadalupe at Taft.

“The idea is to build a better pedestrian access to and from selected railway stations of the Light Rail Transit (LRT) Line 1, LRT 2 and Metro Rail Transit Line 3. This project is in line with the DOTr’s active transport program, which also highlights the need to set up separate bike lanes for cyclists,” paglilinaw ni Dizon.

22

Related posts

Leave a Comment