CAMILLE NAGPASALAMAT SA SUPORTA NG PANGASINENSE

NAGPASALAMAT si Camille Villar kay Pangasinan Gov. Ramon Guico III at sa buong slate ng Team Aguila sa pag-endorso sa kanyang senatorial bid sa proclamation rally sa Bolinao, Miyerkoles ng gabi.

Pinasalamatan din niya ang suporta at mainit na pagtanggap nina Gov. Juico, Vice Gov. Mark Lambino, Pangasinan First District Rep. Arthur Celeste, Abono Partylist Rep. Bobby Estrella.

Nangako si Camille na patuloy na susuportahan ang mga proyektong pang-imprastraktura at tutulong sa agrikultura sa Pangasinan.

Bilang pasasalamat, sinabi niya na patuloy niyang uunahin ang pagtulong sa lalawigan tulad ng ginagawa ng kanyang ina na si Senador Cynthia Villar at ng kapatid na si Sen. Mark Villar sa mga tuntunin sa imprastraktura, agrikultura at pagsasaka.

(DANNY BACOLOD)

47

Related posts

Leave a Comment