4-ANYOS KINATAY NG ADIK NA AMA

CAVITE – Swak sa kulungan ang isang 29-anyos na lalaking hinihinalang lango sa ilegal na droga, makaraang pagsasaksakin ang kanyang 4-anyos na anak sa Bacoor City sa lalawigang ito.

Ginagamot sa Bacoor District Hospital ang biktimang si Vina, isang Kindergarden student, habang arestado naman ang suspek na si Laurito Labarador, isang construction worker at kapwa residente ng Nazareth Compound, Bacoor City.

Sa ulat ni Corporal Christian Jovita ng Bacoor City Police Station, dakong alas- 11:30 noong Lunes ng umaga nang aresuhin ang suspek dahil sa pananakit at pananaksak sa sariling anak.

Ayon kay Jovita, hindi umano batid ng suspek na anak niya ang kanyang sinasaktan at dahil sa patuloy na pag-iyak ng bata ay kumuha ng kutsilyo at sinaksak sa ulo at iba pang bahagi ng kanyang katawan.

llang kapitbahay ang sumaklolo sa bata at isinugod sa ospital.  Kasalukuyang nasa ligtas nang kalagayan ang biktima dahil hindi naman malalim ang mga saksak sa ulo at katawan.

Lango umano sa droga ang suspek nang pagsasaksakin nito ang kanyang anak.

Nakuha sa suspek ang kutsilyo na ginamit sa pananaksak at ang tinatayang .43 gramo ng shabu na may street value na P2,924.

Nabatid na ang suspek ay may nakabinbing kaso at dati nang naaresto hinggil sa paglabag sa RA 9165 noong April 5, 2019 sa Pasong Buaya II, Imus City, Cavite. (SIGFRED ADSUARA)

223

Related posts

Leave a Comment