4-ANYOS NALUNOD SA ILOG

NORTH COTABATO – Maagang sinalubong ni kamatayan ang apat na taong gulang na bata matapos malunod sa ilog sa Barangay Topland, Koronadal City kahapon ng umaga.

Ayon kay alyas Marissa, tiyahin ng nasawing biktimang si Alyas Loloy, kasamang naligo sa ilog ang kapatid nitong si Inday, 2 years old, at dalawa niyang mga anak. Nang mapansin na wala ang magkapatid inakala niyang umuwi ang mga ito.

Pero nang hindi niya makita ang mga ito sa kanilang bahay ay nabahala siya kaya humiling na ng tulong sa mga kapitbahay. Natagpuan naman ng tiyahin na lumulutang sa ilog ang magkakapatid.

Ngunit sa kasamaang palad hindi na-revive ang biktimang si alyas Loloy sa South Cotabato Provincial Hospital. Habang ang nakatatanda naman nitong kapatid na si alyas Inday ay nagpapagaling pa sa nasabing ospital.

Nabatid na ang magkapatid ay ipinagkatiwala sa kanilang tiyahin ng kanilang mga magulang na nagtungo sa bayan ng Surallah para mag-ani ng kamoteng kahoy. (BONG PAULO)

207

Related posts

Leave a Comment