4 BUS HOLDAPER NASAKOTE

CAVITE – Arestado ang apat na kalalakihan makaraang holdapin ang isang pasahero sa pampasaherong bus sa Dasmariñas City, sa lalawigang ito.

Kinilala ang mga arestado na sina Arwin Cuadra, 33; Rosauro Kapili, 52; Jerome Luna, 30, at Edwin Lopez,45, pawang mga residente ng Brgy. Salawag, Dasmariñas City

Ayon sa ulat ni Corporal Aaron John Golo ng Dasmariñas City Police, dakong alas-3:00 noong Lunes ng hapon nang sumakay sa isang pampasaherong bus patungong Maynila ang biktimang si Dionisio Dilubio, 25, ngunit pagsapit sa kahabaan ng Aguinaldo Highway sakop ng Brgy. Salitran 1, Dasmariñas City nang sumakay ang mga suspek.

Isa sa mga suspek ang tumabi sa biktima habang at tatlo pa nitong kasama ay umupo sa likuran, harapan at katabing upuan.

Sa puntong ito, binulungan ng katabing suspek ng holdap ng biktima habang nakatutok ang patalim at kinuha ang kanyang Huawei Y7 cellphone.

Matapos nakuha ng mga suspek ang pakay, bumaba ang mga ito habang iniwang tulala ang biktima.

Ngunit nakahalata ang ilang mga pasahero kaya mabilis na bumaba ang mga ito at hinabol ang mga suspek habang ang iba ay humingi ng tulong sa nagpapatrolyang mga pulis na nagresulta sa pagkakadakip sa mga holdaper. (SIGFRED ADSUARA)

 

187

Related posts

Leave a Comment