ZAMBALES – Apat na Chinese national ang napatay sa ikinasang joint anti-narcotics operation ng Philippine Drug Enforcement Agency at PNP Drug Enforcement Group nitong Lunes ng umaga sa Brgy. Libertador, sa bayan ng Candelaria sa lalawigang ito.
Tinatayang mahigit 500 kilo ng umano’y shabu ang nasamsam ng mga awtoridad sa ikinasang buy-bust operation.
Kinilala ang napaslang na bigtime foreign drug personalities na sina Gao Manzhu, 49; Hong Jianshe 58; Eddie Tan, 60, pawang ng Fujian, China; at Xu Youhua, 50, naninirahan sa Stanford Ville, Quezon City.
Sa inisyal na report na isinumite kay PDEA Director General Wilkins Villanueva, isang bigtime buy-bust operation ang ikinasa ng pinagsanib na puwersa ng PDEA Regional Office 3; PDEA Intelligence and Investigation Service; PDEA Regional Office NCR, PDEA SES, PDEA Regional Office 1, PNP-DEG National Capital Region, AFP Task Force NOAH, National Intelligence Coordination Agency, BoC, Subic Police Station, Zambales PPO, 1st Provincial Mobile Force Company, CIDG Zambales at Candelaria Police Station.
Ayon kay PDEA Spokesman Director Derrick Carreon, bandang alas-11:30 ng umaga nang isinagawa ang anti-illegal drug operation sa Brgy.
Libertador, sa bayan ng Candelaria ngunit nauwi ito sa engkwentro nang
lumaban ang mga suspek.
Nakuha sa crime scene ang 500 kilo ng shabu, apat na baril, isang Toyota Fortuner, tatlong basic phone, isang android phone, at dalawang Chinese Passports. (JESSE KABEL)
168 