4 KABATAAN PINARANGALANG JUNIOR ATHLETE OF THE YEAR

NAGING misyon na ng Milo na bigyang parangal ang mga kabataang atletang nagtatagumpay sa kani-kanilang larangan. At sa taong 2019, apat ang napili nilang mapasama sa Junior Athlete of the Year.

Sa ginanap kamakailan na Philippine Sportswriters Association (PSA) Awards, kinilala ng Milo ang apat na outstanding athletes na sina tennis superstar Alexandra “Alex” Eala, chess prodigy Daniel Quizon, ace swimmer Miguel Barreto, at gymnast extraordinaire Daniela Dela Pisa.

Pinagkalooban nina Nestlé Philippines Vice President Veronica Cruz at Milo Sports Marketing Manager Lester P. Castillo ng award sina Eala, Quizon, Barreto, Dela Pisa at kanilang mga magulang bilang parangal sa kanilang achievements sa larangan ng sports.

“We at Milo recognize the role of sports in teaching our youth character-forming values that will help them become well-rounded individuals and Tomorrow’s Champions. It is an honor for MILO to bestow the Milo Junior Athlete of the Year award to Alex, Daniel, Miguel, and Daniela who have shown great dedication in their sport and manifest the values that we try to impart to the youth of today.

“Seeing them soar in their respective fields is a testament that great things truly start from small beginnings. We congratulate the four awardees and look forward to their continued success,” saad ni Cruz.

Si Eala, 14, ay nagsimula sa Milo Summer Sports Clinic bago naging isa sa top players sa junior tennis world. Katunayan, siya ang unang Filipino tennis player na naging grand slam champion sa 2020 Australian Open.

Patuloy naman na gumagawa ng pangalan sa larangan ng chess si Quizon, isa sa pinakabatang International Master sa bansa. Sa kanyang edad na 15, naisakatuparan ni Quizon ang impresibong kampanya sa blitz tournament sa Indonesia at Seoul noong 2018, at sa 30th Southeast Asian (SEA) Games.

Sa edad na 16 ay marami na rin medalyang napanalunan ang swimmer na si Barreto, nakapagtala ng records sa 2019 Palarong Pambansa, naka-gold sa Philippine National Open Swimming Championships at naging bahagi ng pambansang koponan sa 30th SEAG.

Nakatakdang sumabak ang ace swimmer sa 44th Southeast Asian Age Group Swimming Championships sa Malaysia sa Hunyo at Asian Swimming Championships sa Nobyembre.

Itinuturing na standout gymnast naman si Dela Pisa na naka-gintong medalya sa SEAG. Literal na “success story” ang buhay niya nang mapagtagumpayan ang sakit na kanser sa murang edad.

Si Dela Pisa ay patuloy na nagsasanay para sa international competition na sasalihan sa Poland sa susunod na buwan. (DENNIS INIGO)

200

Related posts

Leave a Comment