4 KARNAPER NABITAG SA STO. TOMAS, BATANGAS

BATANGAS – Apat na indibidwal na sinasabing mga suspek sa talamak na mga kaso ng carnapping, ang naaresto ang mga awtoridad sa agarang pagresponde ng mga tauhan ng Sto. Tomas Municipal Police.

Kinilala ang mga suspek na sina alias “Cris”, 42; “Denmark”, 52; “Isidro”, 48, at “Jovy”, 38, pawang mga residente ng Calamba City, Laguna.

Nabawi mula sa mga suspek ang ninakaw na sasakyan matapos makorner ang mga ito ng mga pulis sa Rodriguez Subdivision, Barangay Lawa, Calamba City, Laguna.

Ayon sa report ng Sto. Tomas City Police, tinangay ng mga suspek isang Mitsubishi L300 sa Maharlika Highway, Barangay San Pablo Nayon, Sto. Tomas City, Batangas.

Agad itong iniulat sa pulisya ng may-ari at nakumpirma sa kuha ng CCTV ang pagtangay sa sasakyan.

Sa pamamagitan ng focused follow-up operation, surveillance, at drone deployment, natunton at naaresto ang mga suspek at narekober ang ninakaw na sasakyan at isa pang van na ginagamit ng mga ito sa kanilang operasyon.

Nasa kustodiya na ng pulisya ang mga suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 10883 o New Anti-Carnapping Act of 2016.

(NILOU DEL CARMEN)

28

Related posts

Leave a Comment