4 PANG MPD STATIONS NAGPOSITIBO SA COVID

NAKAPAGTALA ng tig-isang pulis na positibo sa coronavirus 2019 (COVID-19) sa apat na presinto ng Manila Police District (MPD).

Bukod sa MPD-Binondo Police Station 11 na mayroong maraming kaso ng COVID-19, kinumpirma ni MPD Director, P/BGen. Leo “Paco” Francisco na may tig-isang pulis na nagpositibo rin sa COVID-19 sa apat pang presinto.

Gayunman, tumanggi muna si Francisco na tukuyin kung alin-aling presinto nila ang nakapagtala ng mga kaso ng impeksyon.

Tiniyak nitong naka-quarantine na ang nasabing mga pulis at nagsagawa na ng contact tracing sa mga taong nakasalamuha ng mga ito.

Unang nai-report na ang Binondo Police Station 11 ay isinailalim sa tatlong araw na lockdown para sa disinfection makaraang 46 pulis nito ang nagpositibo sa virus. (RENE CRISOSTOMO)

 

211

Related posts

Leave a Comment