4 PATAY, 1 SUGATAN SA SUNOG SA CAVITE

NASAWI ang apat na magkakamag-anak habang isa ang sugatan, sa sunog na sumiklab sa limang kabahayan sa Tanza, Cavite, Lunes ng gabi.

Kinilala ang mga nasawi na sina Tersita, 68; Anthony, 39; Gerrone Owen, 12 at Gemille Athena, 5, na pawang Domingo ang apelyido.

Isang Jeni Domingo naman ang nasugatan at isinugod sa Tanza Specialist Hospital.

Sa ulat, dakong alas-11:54 kamakalawa ng gabi nang magsimula ang sunog sa isang bahay sa Barangay Biwas na umabot sa 2nd alarm at idineklarang fire out dakong ala-1:14 ng madaling araw ng Martes.

Ayon sa ilang saksi, napansin nila na nagsimula ang sunog sa ikalawang palapag ng bahay ng pamilya Domingo.

Naapula ang sunog dakong alas-2:39 ng madaling araw sa pagtutulungan ng may 12 trak ng bumbero mula sa loob at labas ng Cavite.

Ayon sa BFP, patuloy silang nagsasagawa ng malalimang imbestigasyon para matukoy ang pinagmulan ng sunog na tumupok sa tinatayang P9 milyong halaga ng ari-arian.

(SIGFRED ADSUARA)

311

Related posts

Leave a Comment