4 PATAY SA COVID SA CALOOCAN, 2 SA MALABON

patay

SUMIPA sa 1,721 ang COVID death ng Caloocan City nitong Pebrero 26 mula sa 1,717 noong Pebrero 24, o karagdagang apat na casualties sa loob ng dalawang araw.

Hanggang 5 pm ng nasabing petsa ay 111 ang active cases sa lungsod, habang umakyat na sa 74,010 ang confirmed cases, at sa nasabing bilang ay 72,178 na ang gumaling.

Dalawang COVID patients naman ang binawian ng buhay sa Malabon City noon ding Pebrero 26, tig-isa sa mga barangay ng Catmon at Niugan.

Walang naitalang bagong kaso ng COVID sa siyudad sa nasabing araw kaya’t nananatiling 25,308 ang positive cases, 20 dito ang active cases.

Habang lima ang mga gumaling mula sa mga barangay ng Baritan (1), Ibaba (1), Niugan (1), at Tonsuya (2). Sa kabuuan ay 24,569 ang recovered patients ng Malabon, habang umakyat sa 719 ang COVID death toll nito.

Walang naitalang namatay at nahawa, habang tatlo ang gumaling sa Navotas City na may 25 active cases hanggang 8 pm noong Pebrero 26.

Nanatili sa 21,061 ang bilang ng mga tinamaan ng COVID sa fishing capital, at dito ay 20,400 na ang gumaling at 636 ang namatay.

Hindi pa naglalabas ng COVID-19 cases update ang Valenzuela City habang isinusulat ito. (ALAIN AJERO)

162

Related posts

Leave a Comment