4 PATAY SA MILITARY CHOPPER CRASH

MAGUINDANAO – Patay ang apat na mga tauhan ng Philippine Air Force kabilang ang isang babae matapos mag-crash ang sinasakyan nilang helicopter sa Barangay Upper Manggas, Lantawan, Basilan ngayong hapon.

Sa inisyal na ulat, posibleng dahil sa sama ng panahon ang dahilan kung bakit bumagsak ang Philippine Air Force 505th Search and Rescue Group chopper na may tail number 202, bandang ala-1:00 ng hapon.

Sakay ng chopper ang pilotong si Capt. Miler at 1Lt. Ferrer at mga crew na sina Sgt. Banias at A1 Leal na pawang kasapi ng PAF.

Mula sa Jolo, Sulu ang nasabing aircraft at papunta sana ng Zamboanga para sa gagawing humanitarian mission nang bumulusok dahil umano sa lakas ng hangin at buhos ng ulan.

Agad namang tinungo ng pangkat ng 4th Special Force Battalion ang crash site at narekober ang bangkay ng apat na mga sakay nito. (BONG PAULO)

66

Related posts

Leave a Comment