4 QUEZON CITY AREAS NA MAY MATAAS NA COVID-19 CASES, NI-LOCKDOWN

ISINAILALIM ng Quezon City government sa special concern lockdown ang apat na lugar ng lungsod kasunod ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 noong holiday season.

Kabilang sa mga lugar ay ang No. 62 Agno Extension sa Barangay Tatalon; No. 1 Salary Street sa Barangay Sangandaan; No. 54 Interior, Magsalin Street sa Barangay Apolonio Samson; at 9C, 9D, 97 La Felonila Street sa Barangay Damayang Lagi, na tumaas ang kabuuang bilang ng lockdown areas hanggang anim.

Ipinatupad ng Quezon City Epidemiology and Disease Surveillance Unit (CESU) ang special concern lockdowns sa mga area na may pagkumpol-kumpol at posibleng community transmission na naoserbahan upang mapigilan ang pagkalat ng virus.

“These granular lockdowns are our immediate and proactive response to control the situation in these areas. Since last year, our special concern lockdowns have been proven effective in controlling the spread of the disease among neighbors and families,” ani Mayor Joy Belmonte.

Nasa 60 pamilya ang apektado sa Agno Extension sa Barangay Tatalon, habang sa Salary street sa Barangay Sangandaan ay may 5 pamilya na isinailalim sa mahigpit na quarantine.

Sa Magsalin Street ay natukoy ng CESU na may 14 index cases na may 60 pamilya ang nasa ilalim ng lockdown, habang 150 pamilya naman ang apektado sa La Felonila Street.

“All families in these areas will undergo swab testing in order to identify other infected individuals. However, even if they tested negative, all will still have to finish the 14-day mandatory quarantine period to check if they will develop any symptoms during the said period,” ayon kay CESU Head Dr. Rolly Cruz.

Samantala, ang MCP HOA at bahagi ng Pingkian 1, Central B sa Barangay Pasong Tamo ay isinailalim din sa special concern lockdown simula Enero 7 at Enero 14, ayon sa pagkakasunod-sunod.

Nasa 48 individuals sa MCP HOA ang isinailalim sa swab testing at ang lahat ay naging negatibo.

“We are working closely with the affected barangays to ensure that the quarantine period will be properly implemented and that their needs will also be provided,” dagdag pa ni Belmonte.

Suportado naman ng city government ang lahat ng pamilya na nasa ilalim ng quarantine, ng food packs at iba pang pangangailangan.

Samantala, isinailalim naman sa swab test ng Quezon City government ang kanilang mga residente na dumalo sa Pista ng Nazareno kamakailan sa Quiapo, Maynila kabilang ang isang pulis na nagbantay sa nasabing okasyon.

Layunin ng swab test na matiyak na hindi makakapagkalat ang mga ito ng virus sa kani-kanilang mga kapitbahay at kamag-anak. (JOEL O. AMONGO)

129

Related posts

Leave a Comment