45 LUGAR SA QC LOCKDOWN PA RIN

NANANATILING nasa ilalim ng Special Concern Lockdown Areas (SCLA) ang 45 lugar sa Quezon City dahil sa mataas na mga kaso ng COVID-19 ng nasabing lungsod.

Partikular na lugar lamang ang sakop ng SCLA at hindi buong barangay.

Ang SCLA, hanggang Abril 20, 2021, ng Quezon City government, ang tinukoy na mga lugar sa barangay na isinailalim sa 14-day Special Concern Lockdown dahil sa pagtaas ng bilang ng COVID-19 cases.

Ang mga area ay ang bahagi ng Isarog St., Barangay Paang Bundok; bahagi ng Scout Limbaga Extension, Brgy. Sacred Heart; bahagi ng Scout Fuentebella Ext, Brgy. Sacred Heart; bahagi ng Samar St., Brgy. Sto. Cristo; bahagi ng Kapiligan St., Brgy. Dona Imelda; bahagi ng Bayani St., Brgy. Dona Imelda; bahagi ng JP Rizal St., Endrga Compound, Brgy. Sta. Lucia; bahagi ng Baco St., Brgy. San Isidro Labrador; isang compound sa Brgy. Pasong Tamo; bahagi ng 3rd St., Major Marcos Road, Brgy. Pasong Tamo; bahagi ng Road 1, Brgy. Bagong Pagasa; bahagi ng no. 24 J. Ponce St., Brgy. Marilag; bahagi ng MCP HOA, Pingkian 1, Brgy. Pasong Tamo; bahagi ng Road 1, Brgy. Bagong Pag-asa.

Naka-lockdown din ang isang lugar sa Premium St., Valdescona Compound, Brgy. Sangandaan; isang lugar sa Rusia St., Brgy. Immaculate Conception; bahagi ng Del Mundo St., Brgy. Talipapa; bahagi ng Lukaria St., Brgy. Talipapa; isang lugar sa P. Burgos St., Brgy. Marilag; isang lugar sa Balingasa St., Brgy. Balingasa; bahagi ng Manunggal St., Brgy. Tatalon; bahagi ng Villareal St., Brgy. Gulod; isang lugar sa Umbel St., Brgy. Roxas; bahagi ng Old Paliguan Compound, Brgy. Bagbag; isang lugar sa Benton St., Fairville Homes, Brgy. Fairview; bahagi ng Gana Compound, Brgy. Unang Sigaw; bahagi ng K-6th St., Brgy. East Kamias; bahagi ng Sorsogon St., at Brgy. Nayong Kanluran.

Kasama rin sa naka-lockdown na mga lugar ay ang bahagi ng Unang Hakbang St., Brgy. Sto. Nino; bahagi ng Sanciangco St., Brgy. Sto. Nino; bahagi ng Aguho St., Brgy. Claro; isang lugar sa P. Dela Cruz St., Obras Compound, Brgy. San Bartolome; bahagi ng Oriole St. Area 2, Sitio Veterans, Brgy. Bagong Silangan; bahagi ng Zambales St., Brgy. San Martin de Porres; isang compound sa Brgy. Balonbato; isang lugar sa Antique St., Brgy. Ramon Magsaysay; bahagi ng Balingasa St., Brgy. Balingas; bahagi ng Yale St., Brgy. E. Rodriguez; Sitio Pugot, Brgy. Bagong Silangan; isang compound sa Valencia St., Brgy. Valencia, at isang lugar sa Diamond St., Brgy. Tandang Sora.

Ang mga pamilya sa lugar na ito ay binibigyan ng food packs at essential kits ng lokal na pamahalaan.

Sila ay isinasailalim sa swab testing at mandatory 14-day quarantine o higit pa kung kinakailangan. (JOEL O. AMONGO)

360

Related posts

Leave a Comment