5 BLOKE NG MARIJUANA TIKLO SA CALL CENTER AGENT

LAGUNA – Dinakip ang isang call center agent makaraang makumpiskahan ng limang bloke ang pinatuyong dahon ng marijuana sa buy-bust operation ng mga awtoridad noong Martes sa San Pablo City.

Arestado ang suspek na si Donn Anthony Amante Delgado,26, residente ng Brgy. San Lucas 2 ng bayang ito.

Nahuli ang suspek bandang alas-10:07 ng gabi makaraang makipag-transaksyon ang mga awtoridad na umaktong poseur buyer kapalit ang halagang P2,000.

Kumpiskado ang limang bloke na marijuana at mga buto nito na nakabalot sa plastic na tinatayang may halagang P482,000, digital weighing scale at P1,000 drug money.

Nakapiit na sa San Pablo CPS ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (CYRILL QUILO)

176

Related posts

Leave a Comment