REHAS sa halip na panabong ang hinihimas ng limang sabungero nang masakote sa tupada sa Malabon City.
Swak sa hoyo ang mga suspek na sina Renato Cruz, 34, ng Malabon City; Ruel Aquino, 36; Cirilo Calvo, 39; Ramze Jorca, 31, at Jonathan Danggod, 43, pawang mga residente ng Quezon City.
Ayon sa ulat, may nagnguso sa mga parak na may nagtutupada sa Damata St., Brgy. Tonsuya.
Bunsod nito, agad na sinalakay ng mga awtoridad ang nasabing lugar dakong 11:25 ng umaga noong Lunes na nagresulta sa pagkakadakip sa mga sabungero.
Nakumpiska sa tupadahan ang dalawang patay na panabong na may tari at P6,300 tayang salapi. (ALAIN AJERO)
182
