5 DRUG PUSHERS TIKLO SA NAVOTAS

BAGSAK sa kulungan ang limang hinihinalang sangkot sa ilegal na droga matapos makuhanan ng mahigit P.1 milyong halaga ng umano’y shabu sa magkahiwalay na buy-bust operation sa mga lungsod ng Malabon at Navotas.

Ayon kay Malabon police chief, Col. Albert Barot, dakong alas-3:00 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU), sa pangunguna ni P/Lt. Alexander Dela Cruz, ng buy-bust operation sa C-4 Road, Brgy. Taňong.

Agad dinamba ng mga operatiba sina Remy Fernando alyas “Tikang”, 44, (pusher listed); Alvin Aguillon alyas “Amben”, 38, kapwa ng Brgy. Tañong, matapos bentahan ng P500 halaga ng shabu ang isang police poseur buyer, kasama si Reynaldo Emor Jr. alyas “Jon-Jon”, 38, ng Brgy. Tanza, Navotas City na nakuhanan ng isang sachet ng hinihinalang shabu.

Nakumpiska sa mga suspek ang 13.0 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price na P88,400 at marked money.

Sa Navotas City, nadakma rin ng mga operatiba ng Navotas Police SDEU team sa buy-bust operation dakong alas-11:40 ng gabi sa Bagong Silang St., Brgy. San Jose sina Amor Buenaventura alyas “Ching”, 42, bus conductor, at Teofelo Capili Jr, alyas “Jun”, 48-anyos.

Nakumpiska sa mga suspek ang 7 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price na P47,600, at P500 marked money.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2022. (FRANCIS SORIANO)

136

Related posts

Leave a Comment