5 HUMAN TRAFFICKING VICTIMS NAHARANG SA CEBU

NA-INTERCEPT ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Mactan-Cebu International Airport (MCIA) ang limang biktima ng human trafficking.

Ayon sa report na nakarating sa BI, naharang ang mga ito bago makasakay sa kanilang Philippine Airlines (PAL) papuntang Thailand.

Nagkunwari ang mga ito bilang mga turista, ngunit pagdating sa final interview, magkakaiba ang kanilang mga sagot, kung kaya’t inirekomenda na sumailalim sa secondary inspection, kung saan nadiskubre na United Arab Emirates ang kanilang final destination.

Ang mga biktima ay agad na inilipat sa pangangalaga ng Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) upang sumailalim sa malalimang imbestigasyon, nang sagayon ay masampahan ng kaso ang mga nasa likod ng illegal activities na ito.

(FROILAN MORALLOS)

186

Related posts

Leave a Comment