5 MANANABAS NG DAMO MINASAKER SA BULACAN

BULACAN – Tadtad ng mga tama ng bala sa buong katawan nang matagpuan ang wala nang buhay na limang kalalakihan na minasaker sa bulubunduking bahagi ng Resigurado St., Brgy. Camachile,Β sa bayan ng

DoΓ±a Remedios Trinidad (DRT) sa lalawigang ito, noong Lunes ng umaga.

Ayon sa report na natanggap ni Bulacan PNP acting director, Col. Charlie Cabradilla mula kay DRT Police chief, Capt. Eugenio De Ramos, kinilala ang mga pinatay na sina Pampilo Bonaga,Β 55; Carlito Servano, 48; Pola Servano; Antonio Servano, 45; at Angelo Del Castillo,Β 33, pawang mga residente ng Sitio Armstrong, Brgy. Camachile, DRT, Bulacan.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, bandang alas-11:15 ng umaga nang makatanggap sila ng report hinggil sa limang bangkay na natagpuan sa bulubunduking bahagi ng nasabing lugar kung saan ang mga biktima ay pinagbabaril ng ‘di pa kilalang mga suspek.

Ayon sa nakadiskubre sa mga bangkay na si Halbert Prencillo, maghahatid siya ng pagkain sa mga biktima bandang alas-10:30 ng umaga nang magulat siya na pawang mga wala nang buhay ang lima dahil sa mga tama ng bala.

Nabatid na kaya naroon ang mga biktima ay upang magtabas ng mga ligaw na halaman at damo ayon sa utos ng may-ari ng lote na ‘di pa pinapangalanan ng pulisya.

Base sa salaysay ng mga residente roon, bandang alas-10 pasado nang makarinig sila ng sunod-sunod na putok ng baril.

Away sa lupa ang nakikitang motibo sa krimen ng pulisya subalit sinabi ni Col. Cabradilla, patuloy pa ang imbestigasyon para sa pagkakakilanlan ng mga suspek. (ELOISA SILVERIO/GINA BORLONGAN)

347

Related posts

Leave a Comment