5 NADAGDAG SA COVID DEATHS SA CALOOCAN

LIMA pa ang nadagdag sa COVID casualties sa Caloocan City noong Nobyembre 5 kaya umabot na sa 314 ang bilang ng mga namatay sa pandemya sa lungsod.

Lumobo rin mula 11,564 noong nakalipas na araw patungong 11,619 ang bilang ng mga nagpositibo sa COVID sa siyudad, habang 11,075 na ang gumaling mula sa dating 10,990.

Samantala, isa naman ang namatay sa Navotas City dahil sa pandemya sa nasabi ring petsa at 149 na ang pandemic fatalities ng lungsod.

Tatlo naman ang gumaling at dalawa ang nadagdag sa active cases na sa kasalukuyan ay 57 na.

Umabot na sa 5,159 ang COVID positive sa siyudad. Sa bilang na ito ay 4,953 na ang gumaling. (ALAIN AJERO)

76

Related posts

Leave a Comment