5 SA MGA SAKAY NG MISSING MOTOR BANCA NATAGPUANG BANGKAY

PINANGANGAMBAHANG malagim ang sinapit ng mga sakay ng nawawalang motor banca na MBCA Amejara, nang matagpuan ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard at Philippine Navy ang limang bangkay at mga debris ng hinahanap na divers boat.

Noong Sabado, umabot na sa lima ang natagpuang palutang-lutang na bangkay, ayon kay Coast Guard Southeastern Mindanao Commander Commodore Philip Soria.

Sa pahayag naman sa Philippine Navy, ilang bangkay ang na-recover ng Naval Forces Eastern Mindanao (NFEM), sa pamamagitan ng kanilang BRP Artemio Ricarte (PS37), bukod sa recovered multiple cadavers ay may mga debris din silang nakuha sa dagat na pinaniniwalaang bahagi ng nawawalang motor banca.

Patuloy pa rin ang ongoing search and rescue (SAR) operations sa dagat na sakop ng Balut Island, Davao Occidental, sa pakikipag-ugnayan sa Eastern Mindanao Command (EMC), TOW-EM, Office of Civil Defense Region XI (OCD XI), at Philippine Coast Guard (PCG), at iba pang concerned agencies.

“At approximately 9:09 a.m. on 24 January 2026, PS37 received information regarding the sighting of four (4) cadavers floating in the area. All operating units were immediately alerted, and PS37 was directed to proceed to the reported location, approximately 63 nautical miles southwest of Balut Island,” ayon sa mga awtoridad.

Ayon kay Soria, apat na bangkay ang unang narekober, at bandang alas-11:30-11:45 ng umaga, isang floating cadaver naman ang nakita ng mga piloto ng Coast Guard.

Tinututukan na sa ngayon ng Philippine Coast Guard (PCG) ang retrieval ng mga bangkay, at nakipag-ugnayan na rin sila sa Philippine Navy upang kunin ang mga ito.

Ayon kay Soria, patuloy ang search and rescue operations para maghanap ng mga posibleng nakaligtas.

Nabatid na ang MBCA Amejara ay nawala noong Lunes, Enero 19, habang naglalayag sa Davao Gulf.

Ayon sa ulat ng PCG noong Huwebes, tatlong crew members at 12 pang pasahero nito na sinasabing recreational divers, ang nawawala, habang isang crew member lamang ang iniulat na nailigtas.

(JESSE KABEL RUIZ)

41

Related posts

Leave a Comment