5 TIMBOG SA DRUG DEN SA STA. ANA, MANILA

LIMANG indibidwal ang binitbit ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Manila Police District, kaagapay ang mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), sa isinagawang pagsalakay sa umano’y drug den sa Punta, Sta. Ana, Manila noong Martes ng hapon.

Kinilala ni P/Brigadier General Andre Perez Dizon, Director ng MPD, ang target ng operasyon na si Arnold Tana, 45, ducting installer, residente ng Barangay 900, Punta, Sta. Ana.

Habang arestado rin ang dalawang umano’y kasabwat nito na sina Benjamin, 63, kapatid, at Christopher, 44, pinsan,

Natimbog din ang umano’y mga parukyano nito nang maaktuhang nagsasagawa ng pot session sa bahay ni Tana, na sina Gelo Ganan Eloy, 25, at Noah Edwel Hangad, 37-anyos.

Ayon sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Orlando Mirando Jr., commander ng MPD Sta. Ana Police Station, bandang alas-3:40 ng hapon nang salakayin ang hideout at umano’y drug den upang arestuhin si Tana na nagresulta sa pagkakadakip sa limang suspek. (RENE CRISOSTOMO)

198

Related posts

Leave a Comment