TALAGANG iniinda na ng maraming kababayan natin ang pagsasara ng e-sabong.
Malaki ang epekto nito sa libo-libong pasyente na nangangailangan ng tulong mula sa Pitmaster Foundation.
Hindi pa kasama riyan ang mga mawawalan ng trabaho dahil dito.
Nakakalungkot talaga.
Matagal ko nang nababanggit sa kolum ko ang mga ganitong posibilidad.
Aba’y hindi nga ako nagkakamali.
Sabi nga, mahigit sa 50,000 dialysis patients na tinutulungan ng Pitmaster Foundation ang apektado sa pagsasara ng operasyon ng e-sabong sa bansa.
Pahayag ni Atty. Caroline Cruz, director ng Pitmaster Foundation, kinukuha nila ang kanilang pondo sa Pitmaster Live na pinangtutustos o pinangtutulong sa pagpapa-dialysis sa mga pasyente na lumalapit sa kanila.
“We get our funding from Pitmaster Live to pay for the dialysis of these patients,” ani Cruz.
Mabigat man daw sa loob nila, wala silang magagawa.
Talagang mapipilitan silang itigil muna ang pamamahagi ng tulong.
Humihingi nga ngayon ng paumanhin si Cruz sa mga bagong lumalapit sa kanila na pansamantalang tigil muna ang kanilang pagtulong sa mga nangangailangan.
Inaayos pa raw kasi ng pamahalaan ang mga regulasyon at alituntunin sa e-sabong.
Siniguro ni Cruz na babayaran ang lahat ng mga medical institutions at facilities na nilapitan ng mga pasyente ng Pitmaster Foundation para magpagamot bago ipasara ang nasabing laro.
Mahigpit ang utos ng kanilang Chairman na si Charlie “Atong” Ang na bayaran agad ang mga ospital at dialysis centers.
Ang mga nasabing pasilidad ang tumanggap ng letter of guarantee nitong mga nagdaang linggo.
Kaya babayaran nila ito.
Hindi maaaring tanggihan.
Gayunman, ang mga bagong papasok na requests ay hindi na talaga nila maaasikaso.
Pahayag pa ni Atty. Cruz sa mga napangakuan ng Pitmaster Foundation na mga pasyente na tutulungan at mga local government units na napangakuan nila na bibigyan ng ambulansya ay itutuloy pa rin ito.
Panawagan din nila sa mga pasyente at doon sa mga humihingi sa kanila ng tulong na magdasal na maaprubahan agad ang mga regulasyon at alituntunin na ilalatag ng PAGCOR at iba pang ahensya ng pamahalaan.
Sa ganitong paraan nga naman, muling mabubuksan ang e-sabong sa bansa, kung sakali.
“Prior to the suspension of our dialysis assistance, we received thousands of applications per day, and our team worked tirelessly to process each application,” wika ni Cruz.
“We are very sorry for the delays in our processing and we will use this time to do our research on how we can improve our systems. ”
Sabi nga ni Cruz, temporary suspension lamang ito.
Kaya may pag-asang maibabalik ang dialysis financial assistance program.
“We will update everyone as soon as we resume our charity assistance,” sabi pa ng foundation.
Kung matatandaan, noong Miyerkules na ang deadline ng mga e-sabong operators para ihinto ang kanilang operasyon matapos ipag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapatigil sa nasabing sugal.
Nagpahayag din si Department of the Interior and Local Government (DILG) Jonathan Malaya na susundin nila ang utos ng Pangulo.
Nawa’y maayos din ito sa lalong madaling panahon.
Kawawa naman ang mga tinutulungang dialysis patients ng Pitmaster at maging ang mga mawawalan ng trabaho.
Tsk, tsk, tsk.
Abangan!
![](https://saksingayon.com/wp-content/plugins/dp-post-views/images/eyes.png)