Ni ANN ENCARNACION
UMABANTE si 2020+1 Tokyo Olympian Carlos Yulo sa finals ng 50th FIG Artistic Gymnastics World Championships sa Kitakyushu, Japan.
Nagpakitang gilas sa men’s floor exercise qualification round ang Pinoy gymnast nang magtala ng 15.166 upang manguna sa event.
Si Yulo ang reigning champion sa men’s floor exercise sa nasabing torneo.
Nanguna rin ang 21-anyos na gymnast sa men’s parallel bars nang makakuha ng 15.566 score.
Pumangatlo naman siya sa men’s vault sa naitalang 14.808 sa qualification round.
Tanging top eight gymnasts kada apparatus ang umusad sa finals ng World Championships kung saan nag-qualify si Yulo sa floor exercise, parallel bars at vault.
Ang finals ng men’s floor exercise ay gaganapin sa Sabado, habang sa Linggo ang men’s vault at parallel bars.
183 