6.1 LINDOL YUMANIG SA DAVAO DEL SUR

NIYANIG ng magnitude 6.1 lindol ang lalawigan ng Davao del Sur kaninang tanghali.

Sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), tumama ang magnitude 6.3 quake alas-12:22 sa Magsaysay, Davao del Sur.

Ang epicenter ay matatagpuan sa silangang bahagi ng Magsaysay. Tectonic ang origin at may lalim itong 15 hanggang 16 kilometro.

Ayon kay Phivolcs Dante Senja, naramdaman ang intensity 5 sa Kidapawan City, Koronadal City, South Cotabato. Intensity 4 naman sa Alabel, Kiamba, Sarangani, General Santos City at South Cotabato. Intensity 2 sa Cagayan de Oro, Gingoog, Misamis Oriantal. Intensity 1 sa Cagayan de Oro, Misamis Oriental.

Inaalam na rin ng NDRRMC kung may pinsala na idinulot ang lindol.

Bunsod nito, asahan ang mga aftershock at pinsala dulot ng malakas na lindol, ayon pa rin sa Phivolcs.

Agad namang pinakilos ng pamahalaang lokal ng Davao del Sur ang kanilang damage assessment team para matukoy ang damage ng lindol.

Ayon sa Kidapawan CDRRMO na si Psalmer Bernalte, nasa 100 pamilya ang ililikas ng pamahalaang lokal mula sa Mt. Apo.

Bukas, magpapatupad aniya sila ng force evacuation sa mga hindi lilikas. (JESSE KABEL)

232

Related posts

Leave a Comment