BACOLOD City – Isang 6-anyos na batang babae na hinihinalang biktima ng panggagahasa. ang natagpuan sa isang hukay sa lungsod na ito.
Natagpuang walang saplot na pang-ibaba ang bata na agad dinala sa ospital ngunit kalaunan ay binawian ng buhay.
Agad namang inaresto ang kapitbahay na lalaki na itinuturong suspek dahil siya ang huling nakitang kasama ng bata.
Itinanggi ng suspek na may kinalaman siya sa krimen. (CATHERINE CUETO)
