6 CHINESE MARITIME MILITIA VESSELS, 50 IBA PA NAMATAAN SA PAG-ASA ISLAND

NAMATAAN ang anim na Chinese Maritime militia vessels sa Rozul (Iroquois) Reef, habang mahigit 50 iba pa ang na-monitor sa loob ng Pag-asa (Thitu) Island sa isang maritime domain awareness (MDA) flight na isinagawa ng Philippine Coast Guard (PCG) sa Kalayaan Island Group sa West Philippine Sea (WPS).

Sa isang pahayag noong Huwebes, sinabi ng PCG na nagsagawa sila ng MDA flight sa rehiyon, kasama ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), bilang tugon sa “dangerous flight maneuvers” ng isang People’s Liberation Army (PLA) Navy helicopter laban sa isang eroplano ng Pilipinas.

Ayon sa PCG, nagsagawa ng radio challenge ang BFAR aircraft sa ilegal na presensya ng Chinese maritime forces sa nasabing mga lugar.

“This mission also documented the unlawful activities conducted by the Chinese Coast Guard and Maritime Militia in the Kalayaan Island Group,” sabi ng PCG.

Idinagdag pa na nananatiling determinado ang BFAR at PCG sa pagpapanatili ng presensya sa West Philippine Sea at pagharap sa mga ilegal na mga aktibidad ng mga dayuhang sasakyang pandagat. (JOCELYN DOMENDEN)

3

Related posts

Leave a Comment