6 MONTHS KULONG SA WILDLIFE SMUGGLER

HINATULAN ng anim (6) na buwang pagkakakulong at multang 120,000 pisong halaga ni Judge Allan B. Ariola ng Pasay City Metropolitan Trial Court ang isang wildlife smuggler na kinasuhan ng Bureau of Customs noong nagdaang taon.

Ang nasabing wildlife smuggler ay napatunayang guilty sa pagi-import ng 757 piraso ng Tarantulas na paglabag sa Section 27 ng Republic Act No. 9147 o mas kilala bilang Wildlife Resources Conservation and Protection Act of 2001 at Section 1401 na may kaugnayan naman sa Section 117 ng Republic Act No. 10863 o mas kilala bilang Customs Modernization and Tariff Act.

Matatandaan na noong Abril 2019, ang BOC-NAIA operatives na kinabibilangan ng ESS-NAIA, CIIS-NAIA at XIP-NAIA sa tulong ng Department of Environment and Natural Resources National Capital Region (DENR-NCR) ay nakasabat ng illegally imported 757 tarantulas na nakalagay sa loob ng mga karton ng cookies at oatmeal mula sa Poland sa Central Mail Exchange Center sa Pasay City.

Ang shipment ay ipinadala mula Poland ng isang nagngangalang ­Wojciech Pakasz at naka-consigned kay Jesse Camato, residente ng Caloocan City.

Agad namang naitinurnover ng BOC-NAIA sa Wildlife Traffic Monitoring Unit ng DENR ang nakumpiskang mga gagamba.

Pinupurihan naman ni District Collector Carmelita M. Talusan ang kaniyang mga tauhan at nagpasalamat sa buong suporta at aktibong pakikipagtulungan ng DENR-NCR at ang Office of the City Prosecutor of Pasay City sa matagumpay na pagpapakulong sa wildlife smuggler.

Binigyaan-diin pa ni Talusan na ang pagkakahatol sa wildlife smuggler ay isang malinaw na manipesto na seryoso sa pangako ang Bureau of Customs sa ilalim ng pamumuno ni Commissioner Rey Leonardo Guerrero na maparusahan ang mga smuggler ng ilegal na kalakal at kontrabando.

Aniya, ito rin ay magsisilbing leksyon sa iba pang nasasangkot sa kaparehong ilegal na aktbidad at titiyakin nila na maipatutupad ng buong lakas ang batas para maipakulong sila.

 

BOC-PORT OF CDO KUMITA NG P6.95-M SA PUBLIC AUCTION

Aabot sa mahigit na anim na milyong piso (P6.95-M) ang kinita ng Bureau of Customs Port of Cagayan de Oro sa kanilang isinagawang public auction sa kanilang Security Warehouse sa Brgy. Tablon noong Disyembre 10, 2020.

Ang kabuuang 13 shipments na ipina-auction sa 11 bidders ay kasama ng mga closed van truck, Ford ­Ranger truck, used truck parts, polished tiles, furniture, steel coils at copper ore.

Ang nasabing public auction ay base sa Customs Memorandum Order 10-2020 na kung saan ang mga cargoes na hindi nababawi o nakukuha ng mahigit sa 30-araw mula sa ‘date of discharge’ ay palatandaan na inabandona sa pamamagitan ng tinatawag na Decree of Abandonment kung kaya ang Bureau of Customs ang nakatakdang magpasya na sa kanilang disposisyon.

Ang kabuuang halaga na kinita sa isinagawang subasta ay umabot sa Php 6,951,990.00 na nagbigay ng malaking karagdagan sa kaban ng gobyerno sa kabila ng pakikipaglaban sa COVID-19.

Sinabi ni District Collector John Simon, ang isinagawang auction ay malaking tulong upang lumuwag ang kanilang bakuran upang maiwasan na rin ang pagsisikip ng port.
Bilang resulta ng auction, mahigit sa 70 ­overstaying containers ang naalis na sa nasabing ­pwerto. (Joel O. Amongo)

156

Related posts

Leave a Comment