4.28 TONS NA ‘DI REHISTRADO AT NAKALALASONG KALAKAL WINASAK NG BOC-NAIA

Winasak o sinira ng Bureau of Customs (BOC NAIA) ang mahigit sa apat (4.28 tons) na toneladang kalakal na nakasasama at hindi maaaring gamitin ng tao noong Disyembre 7, 2020.

Ang pagwasak sa mga unregistered and hazardous goods ay bahagi ng pagsisikap ng BOC na protektahan ang publiko mula sa mga kalakal na nakasasama at hindi maaaring gamitin.

Kabilang sa mga winasak ng BOC-NAIA ay ang hindi mga rehistradong cosmetics at ibat-ibang mga produktong pagkain na bahagi na rin ng kanilang pagbibigay proteksyon sa publiko laban sa mga hindi ligtas at nakalalasong mga produkto.

Ang pagsira ay sa pamamagitan ng Thermal Decomposer (Pyrolysis) Facility ng Integrated Waste Management Inc. (IWMI) para tiyakin na ang nasabing items ay hindi na maibenta at mapunta pa sa mga pamilihan.

Para sa taong 2020, ang Port of NAIA ay nakapagpatala na ng kabuuang 371.42 tons ng unregistered and hazardous goods.

Ito ay pagsunod sa direktiba ni Commissioner Rey Leonardo B. Guerrero na paluwagin ang lahat ng pwerto at warehouses sa buong bansa.

Bilang promosyon ng tinatawag na public safety ngayong covid-19 pandemic, nangako naman ang pamunuan ng BOC-NAIA sa pangunguna ni District Collector Carmelita Talusan na patuloy sila sa kanilang pagbabantay laban sa pagdagsa ng ‘dangerous drugs, anti-social goods and hazardous substances.’ (Joel O. Amongo)

155

Related posts

Leave a Comment